Noon lamang 2012 naipasatupad ang K-12 program na isinabatas ng ating dating Pangulong Aquino. Nais niyang maging maayos ang pagpapatakbo ng sistema ng edukasyon sa pilipinas. Kung kayat isinabatas niya ito na maaaring makatulong sa mga kabataan. Gayunpaman, Marami pading tumutol dito lalo na ang mga magulang na dumadanas ng kagipitan upang mapag aral pa ang kanilang mga anak at ang mga kakulangang pasilidad upang makapagpatayo ng bagong paaralan para sa mga istudyanteng magsisipag aral.
Ang programang ito ay ipinatupad ng pamahalaan upang tulungan ang mga kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Dahil pilipinas na lamang ang may Sampung taon ng basic education. Kayat ipinatupad ng pamahalaan ang K-12 program na kung saan ginawang mandatory ang kindergarten, At may tinatawag na junior highschool o Grade7-10, At ang dagdag na dalawang taon na tinatawag na senior highschool. Ang kahalagahan ng programang ito ay makakatulong sa mga kabataan na makahanap agad ng trabaho at maging bukas pa lalo ang kanilang kaisipan sa kursong kanilang napili. Makakatulong ang dalawang taon na dagdag sa highschool upang kapag nagkolehiyo sila ay may kaalaman na sila sa kursong kanilang itetake.
Nang magkaroon na ng unang batch ng mga nagsipagtapos na mga junior highschool ay mas lalong naging komplikado sa paningin ng lahat dahil na rin sa mga paaralang hindi pa tapos gawin. Lalo na sa mga estudyanteng magsisipasok sa pampublikong paaralan. Gayunpaman ang pamahalaan ay nag offer ng benepisyong tulong sa mga mag aaral na nais mag aral sa pribadong paaralan, Ito ay ang voucher na naglalaman ng 17,500 na dagdag pinasyal sa gastusin ng mga estudyante na magsisilbing tuition fee.
Sa kalaunan, ay nakikita naman na habang tumatagal ay nakikita naman ang epekto nito sa mga mag aaral, Hindi ito para lang sa ikauunlad ng bansa, Para rin ito sa pag unlad ng kaisipan ng mga kabataan tungo sa kaunlaran.